3 days na lang pala, Pasko na.

Dati-rati, ako pa yung nangunguna sa pag ka-countdown ng christmas. Pero ngayon, hindi ko mafeel ng lubusan yung spirit ng Christmas. Di ko namalayan na tatlong araw nalang pala then boom… Pasko na! Feeling ko kasi ang lungkot ng magiging pasko namin ngayon, even though na nandito si papa to celebrate his first christmas with us eh still hindi parin siguro ganun ka-saya. Yung Inu-uwian namin tuwing pasko na ancestral house/Family house sa Manila.. ayun halos wala ng nakatira, Not literally saying na wala ng nakatira.. I mean wala na yung diwa kasi halos anim nalang ang nasa bahay na yun. Dati-rati, dun kami nag cecelebrate..  as in sobrang saya, Alam mo yung feeling na Masaya ka hindi dahil sa matatanggap mo na regalo, kundi dahil masaya ka kasi sama-sama at kompleto kayong mag pipinsan at magkakamag-anak.

Iba yung Diwa ng Pasko pag kompleto kayo e. #Maingay, Magulo, Tawanan, Kainan, Asaran basta puno ng kasiyahan! Kaso ngayon Iba na talaga, hiwa-hiwalay na kasi ang magpipinsan ngayon, Saka Feeling ko lang ha? mejo malungkot din siguro ngayon ang pasko para sa karamihan nating kapwa pilipino.. yung nangyari sa mga biktima ng Bagyong Sendong? Iniisip ko palang kung pano nila i-cecelebrate ang pasko at bagong taon nila sobrang nalulungkot na ako e. Siguro para sa ngayon, hindi na muna mahalaga yung Gamit at Pera na matatanggap natin ngayong pasko. Kung nakakaluwag tayo, Tumulong at Magdasal tayo. 

 This was supposed to be a Wishlist blog, kaso ayan yung biglang pumasok sa isip ko.

~Let’s all have a helping hand this Christmas
Mas iyan ang tunay na diwa ng Pasko para sa akin ngayon. =)