PASKONG EPIC.
Ang epic lang nang nangyari samin kahapon. :))
Eh kasi tinanghali na kasi kami gumising, edi nakapag-attend kami ng Mass sa Church ng mga 5pm na. After nun dumeretso na kami sa MoA, and we were on the road for about 2 1/2 hours ata Ang Traffic kasi lalo na jan sa bacoor banda! So ayun mga 8:30 or 9:30 na ata kami nakarating ng MoA. Edi yun, kumain at namasyal kami with family and relatives. Masaya sya kasi kompleto. Then yun kailangan na umalis ng mga relatives ko.. So, parang mejo nabitin ako kasi sandali lng kami sa MoA. ni-request ko kay papa na dumeretso nalang kami sa Star City, 11:30 na nung bumili kami ng tickets.. at ang epic pa nun ang naisipan pa naming bilhin ay yung Ride all you can with 4D max rider! So mejo mahal! Pag pasok namin dun, Ay Bongga! ang haba ng mga Pila sa bawat rides! Edi yun Pinag-Tiyagaan naming pumila sa SurfDance! Ay nako grabehan ang pila parang 1 1/2 hours ata kaming nakapila dun! So ayun na, Turn na namin para sumakay sa Surf Dance. Sobrang Terrific as in BONGGANG SAYA ang inabot ko dun sa ride na yun. Edi nung natapos na kami, balak pa namin sumakay sa Blizzard, Bump Cars at yung 4D Max rider or kahit saang rides kaso nakakainis lang… CLOSED na lahat! hindi na pwedeng mag pasakay. =C
At yun, nakonsensya ako ng bongga para kay mama kasi ang mahal ng tickets tapos ”ride all you can” pa kami tapos Isa lang nasakyan namin. :’(
IYAK si Atey! Haha
