Ang Kwento ko sa Super Mario.
Mario. bata palang ako nung mag simula akong ma-adik sa larong supermario, If I am not mistaken nasa grade 1-2 ako nung magsimula akong maglaro neto sa Video game machine. Actually nung bata ako naglalaro ako ng mga panlalakeng laro instead of barbie’s sa kadahilanang lahat ng mga pinsan kong bata rin na malapit samin ay lalake so, bale na impluwensyahan nila ako hehe.
Naalala ko pa nga nung (Wow, reminiscing?) … 7-8 years old ako nun, halos araw araw ako bumababa sa tindahan ng lola ko para lang mamilit at manghingi ng dalawang piso(2php) para maihulog ko dun sa video game slot machine. Halos di ako umaalis dun sa tapat ng lola ko pag di pa ako nabibigyan #PiliteraMuch? haha and ayun edi pag nakulitan na yung lola ko sakin edi bibigyan nya na ako edi ako naman tuwang tuwa! Talagang napapa
”Oh my gosh! Thank you nay!”
Tatawid na ko sa kalsada pagnakita ko na yung slot machine ang laki ng ngiti ko, Abot tenga! =)) 
Minsan nga may time na may mahabang pila para lang makapaglaro, edi ako naman si adik.. naghihintay lang at nanunuod. Haha edi eto na.. nung naglalaro na ko, ang epic lang kasi naka bestida pa ko nun! Ang taas na ng stage ko dun sa mario ng biglang tinawag ako ni mama, may dala-dalang pamalo… sabi sakin ”Oy, Uwi na!” Edi ayun kailangan ko ng iwan ang kaibigan kong si super mario haha!
Sobrang nakakainis lang si mama nung time na yun! Hahaha 
Hanggang ngayon naman, super favorite ko pa din ang Mario! Lagi ko syang nilalaro sa Y8.com =)))
